Old-School Panliligaw
Nag-iisa ka sa may kanto. Katatapos lang ng klase mo. Habang umiinom ka ng napakasarap na juice na tinitinda sa paborito mong tsangge, nakasulyap ka ng isang babae na lumitaw mula sa kawalan.
Shit. BABAE! Nakakapalaking-matang katawan. Panalong Porma. Kaputian at kutis na wala ka ng mahahangad pa. Shit. Isa pa, kausap siya ng pinsan mo. Magkaklase ata sila. Hindi mo alam, pero napangiti ka. At alam mong matamis pa sa iniinom mong juice ang ngiti mo.
Ngayon, ano ang unang-unang papasok sa isip mo? Malamang eto: liligawan mo ang babae sa tulong ng pinsan mo(sana lang hindi niya girlfriend di ba?) at sa paraan ng nakalakihan mong panliligaw. Tama?
Old-school.
Ngayon, eto lang ang masasabi ko: hindi na epektibo ang ganitong istilo. O maaring umepekto pa rin eto, pero kadalasan hindi na eto pumapatok sa takilya. Matatalino ang mga babae lalo na sa panahon ngayon. Kung naghahanap ka ng babaeng mataas ang kalidad – as in matalino, maganda, malambing, at seksi – hindi mo na to madadaan sa mga old-school na linya. Hindi linya ang kailangan nila. IKAW. IKAW ang dapat nilang magustuhan, at hindi ang mga props na pwedeng mawala sayo.
Anong ibig kong sabihin? Kailangan nilang magustuhan eh ang karakter mo. Kapag meron kang karakter, hindi na mahirap ang mga linya. Kung babato ka ng linya, por ejemplo, at ginawa mo eto para magustuhan ng babae, maaring magustuhan ka niya sa una, pero kung hindi mo eto binanggit bilang natural na paraan ng paglalahad mo ng sarili mo, darating ang panahong mapapanis na ang mga sinasabi mo. Ngayon, malamang merong gustong magreklamo diyan: “Eh pareng kuyzak, meron akong mga kilala magaling sila sa diskarte kasi marami silang alam na linya pagkausap ang babae.” Ngayon, hindi ko sinasabing wag mong banggitin ang mga linya o gawin ang mga pakulong gusto mo. Ang sinasabi ko eh, gawin mo eto bilang natural na pagpapakita ng sarili mo. Kung ang personalidad mo sa ngayon ay isang seryosong tao, magiging di makatotohanan ang pagbibiro mo. Hindi yon papantay sa nakasanayan mong personalidad.
Kaya makakakita ka ng mga lalaking babato ng linyang bomba, at tatawa ng konti ang babaeng kausap pero di katagalan, magkakaroon ng nakakaasiwang katahimikan. (At kaya minsan may pagkakataon ding me linyang grabe na kakorni, as in nailibing na nong panahon pa ni Marcos e, nagiging katatawa pa rin kapag binanggit ng isang lalaki. Anong pinag-iba? May personalidad ang lalaki.)Napansin ng babae na hindi ayon ang personalidad ng lalaking sa bagay na ginagawa niya. Para bang, ginagawa lang ng lalaki ang mga bagay na ito para makuha ang pagsangayon ng babae. Nakakahinala to sa babae. Syempre, iisipin nia (lalo na kung matalino ang babaeng kaharap mo): Bakit niya tinatago ang sarili niya? Bakit gusto niyang makuha ang sang-ayon ko? Bakit niya sinasadyang magpatawa sa harap ko kahit korni naman siya? Baka dahil, me gusto lang siyang makuha sa akin. Kaya mapapansin mo sa ganitong mga pakikipag-usap, madalas talo ang lalaki.
Samantalang sa kabilang banda, makakatagpo ka rin ng mga lalake (eto yong mga tinuturing na magagaling dumiskarte) na lalapit sa isang babae o sa grupo ng mga babae, at di kalaunan, makikita mong tumatawa na ang mga dalaga at tuwang-tuwang kinakausap sila nitong idol mo. Bakit kaya? Mapapansin mo, (kung hindi, eh simulan mo ng pansinin) na ang pinapakita ng lalaki eh hindi mga props para makuha ang sang-ayon ng babae, nandun sila para lasapin ang sarap ng pagkakataon at dahil dito, nakukuha nilang maging masaya kahit san man sila, na nadadala nila kapag me nakakausap silang mga babae. Kuha mo?
Isa pa, kung hindi pa puputok ang utak mo. Sino ang mga taong natural na lapitin ng babae? Sino pa – eh di yong mga taong may personalidad. Mga lalaking maraming pinagkakaabalahan. Mga bagetz na maraming pinagkukunan ng saya – at di lang ang babae.
Kung takot kang ipakita kung sino ka, matatakpan ka ng ibang mas guapong kakompetensiya. Kailangan mong bumuo ng personalidad at hindi magsaulo ng mga linyang narinig mo kay Vice Ganda. Kailangan mo ng personalidad na magiging natural na paraan ng pagpapakita mo ng kung sino ka.
Ngayon anong personalidad ba ang meron ka? Eto ang MALAKING tanong. Tandaan, hindi linya, kundi karakter. Kapag may buo kang personalidad, natural na lalabas ang PANALONG diskarte. Ewan lang sayo. :D
depende sa mga babaing makakasagupa mo, nd lahat ng babae ay pareparehas ang ugali mag kakaiba lahat yan, sa palagay mo mahuhulaan mo sa isang tingin ang ang ugali ng baba e anong karakter ang gagawin mo, my masungit may konserbatib my malandi sa tingin mo kala mo madaling kunin , saka alalahanin mo , sabi mo mga lalakeng madaming pinagkakaabalahan baka maagaw yung gf nila kc abala sila sa ginagawa nila wala panahon sa gf nila saka ano mga bagetz san b natututo ang mga bagetz db sa matatanda, nd mo alam ang diskarte kung ano ang ibig sabihin, kung talagang, malupit kang dimiskate isang magandang babae tisay at nabighani k sa ganda nya, pero bulag bingi at pipi cya at hinde marunong sumulat pero nahulog ang loob mo sa kanya at minamahal mo na cya,anong diskarte ang gagawin mo at anong karakter ang ipapakita mo isama mo narin yung personalidad na sinasabi mo panong diskateng gagawin mo pag nagawa mo welcome to the club
TumugonBurahiniisa lang ang natatanging diskarte ko at ito lang ang laging sinasabi ko....
TumugonBurahinnamamasa-masa na sya pero talagang nagpapakipot at nag iinarte pa talaga? sabihin mo ng buong pag galang at taos puso sa nililigawan mo na:
KUNG AYAW MO, EH DI HUWAG MO! (tapos mag hanap ka ng iba kaagad.)