Ngayon, sana naman nakuha mo na na ang diskarte sa babae ay hindi masyadong nakadepende sa mga nilalaman ng sinasabi o ginagawa mo kundi sa puhunan kung san nagmumula ang mga yon: ang yong PERSONALIDAD.
Kahit anong joke pa ang sabihin mo, o anong klaseng bulaklak pa ang ibigay mo sa kanya, walang kwenta yon kapag wala silang malalim na pinanggagalingan. Kailangan magkaroon ka ng personalidad. Kapag meron kang personalidad, karamihan ng sasabihin mo ay hindi mo na kailangang paghandaan, dahil dumarating sila sa mga normal mong pakikipag-usap. Sa ibang tao, ang lupit na ng dating mo, pero dahil IKAW yon, hindi ka nagtataka dahil nagpapakatotoo ka lang naman. Ngayon, karamihan sa atin ay hindi nagsisimula na may personalidad. Nagsisimula tayo sa panggagaya ng iba: kumukuha ng ibang istilo, ibang linya, ibang diskarte mula sa malulupit na tao. Walang masamang magsimula don (dahil don din ako nagsimula) pero darating ang punto, na kailangan nating hanapin ang personalidad na talagang kinabibilangan natin.
Ngayon, may mga qualities ang isang lalaking lapitin sa girls (yeah!) na pwede nating iensayo at ipasok sa sarili nating personalidad. Ilan sa kanila ay ang mga ito:
*Magaling Magpatawa - Me nakita ka ng chickboy na laging seryoso? Duh. Me isang binatang nanligaw sa girlfriend ko ngayon. Guapo siya, may kaya, mabait at mapagbigay. Isa lang ang hindi matanggap sa kanya ng girlfriend ko: masiyado siyang SERYOSO. Wag mo namang patulugin ang girlfriend mo. Bale, pagtutuunan natin ng pansin ang quality na to sa susunod kong post.
*Maayos sa Mata - Hindi kelangan na guapo. Marami akong kilalang walang itsura pero lapitin ng mga babae. Ang kelangan lang e maging desente manamit. Maayos pumorma. Malinis sa katawan. Hindi kelangan ng macho (pero mas maganda kung hindi lang buto-buto, aray ko).
*May Estado sa Lipunan - Kapag kilala ka na, hindi ka na mahihirapang magestablish ng pangalan mo, lalo na kung kilala ka na ng babaeng liligawan mo. Ngayon, hindi rin naman kelangan na sumali ka ng Starstruck o magpakahiya sa Pilipinas Got Talent. Ang estadong tinutukoy ko eh, kung tapos ka ng mag-aral, meron ka ng maayos na trabaho, at maraming palamuting medalya sa pangalan mo (Best Athlete, Best Actor, Best of the Best, etc.) Hindi naman kelangan maging pormal. Kung kilala ka sa inuman bilang "bida ng gabi", o sa klase bilang "kiliti ng lahat", o sa pamilya bilang "pampasaya ng araw", eto ang tinutukoy ko. Me maayos na imprinta ng pangalan mo sa mga taong kilala mo (o kahit di mo man kilala.) Ang kagandahan nito, ang estado ang isa sa mga sangkap na magpapatibay ng dating ng personalidad mo. Kapag sanay ka ng maging bida ng inuman, malamang ganyan ka rin kapag dalawa na lang kayo at naglalakad sa kung anuman. Una, kapag nalaman ito ng babae, malaking puntos kaagad siya sayo. Ang pagkakaroon mo ng maayos na trabaho ay magpapakita sa kanya ng pagiging responsable at mature mong tao (na gustong gusto nila, lalo na kapag nag-iisip na sila ng taong papakasalan nila). Pangalawa, sa sarili mo, ang estado mo sa lipunan ang magsesem,ento ng personalidad mo na lilitaw kapag kaharap mo na siya, o kinakausap. Yan ang isang bagay na hindi madaling mapeke. Kaya mapapansin mo na iba ang pakikitungo ng mga taong me estado, sa mga taong walang pakialam sa kinalalagyan nila sa lipunan.
*Kakaiba sa Lahat - Hindi ko sinabing magermetanyo ka. Ang sinabi ko kakaiba ka. Oo, yon nga. Madalas naririnig natin to sa mga girls, "gusto ko siya, kakaiba siya kesa sa mga ibang lalaking kilala ko." Ano ang pinupunto nito? Isang lalaking marunong mag-isip at mamuhay sa sarili niyang paraan. Hindi gaya-gaya, puto maya. As in kakaiba. Ilan sa mga paraan para maging kakaiba.
1) Magbasa ka ng pilosopiya - Pilosopiya ang natapos kong kurso ko at konti lang ang taong nakakaalam niyan, kaya konting kaalaman diyan ay magbibigay ng kakaibang sigla mula sayo. (Wag ka lang magpasobra, baka maging werdo ka. Hehehe.) Pilosopiya ang nagbigay sakin ng daan para matutong mag-isip at magdesisyon sa sarili kong paraan.
2)Sarili mong bati, sariling expression, sariling reaksiyon - "Ay, bulalakaw." "Kursit ng Daga!" Isa sa sinubukan ko e gumawa ng mga salitang baliktad. Tormots na ang tawag ko sa motor, arepz sa pera, kultikz sa, ahem, alam mo na. Sinimulan ko, nakasanayan, at sa ngayon, ginagaya na ng mga kaibigan ko (puede naman, kahit ikaw). Kapag naririnig eto ng mga hot girls na kilala ko, natatawa sila dahil hindi nila madalas naririnig eto sa iba. As in, kakaiba. Kuha mo? Ngayon na umuuso ang mga expressiong Vice Ganda, magandang pagkakataon eto para ipakita mo ang personalidad mo. Wag kang gaya-gaya. Tapatan mo si Vice Ganda. Sa sobrang kilala na ng expression niya, mawawalan din ng dating yan katagalan. Anong gawin mo? Tapatan mo. Gayahin mo ang mga taong gumagaya dito, pagpaparamdam na sawang-sawa ka ng marinig sila, pero pisilin mo sa pisngi para nagagalit sila sayo habang pinipigilan ang kilig. O di ba, kakaiba yon.
* May Ambisyon sa Buhay - Maraming bagay ang ipinaparamdam ng taong may ambisyon. May direksyon ang buhay so masaya ang mga babaeng kasama ka, at makarelasyon, dahil nakikita nilang me direksyon ang buhay mo. Kung me alab kang bigyan ng direksyon ang buhay mo, malamang ganon ka rin pagdating sa relasyon. Kaya ang quality na to ay gaya rin ng iba ay hindi mo mapepeke. Hindi puedeng magpanggap ka lang na may ambisyon para makuha mo siya. Kelangan maging ambisyoso ka talaga. Kung wala ka pa nito, simulan mo na. Hindi nagkakamali ang Kamikazee na maging AMBISYOSO, dahil hindi lang ito ang nagpapainit ng buhay, kundi nagpapainit din ng iyong pagkalalake. So, ano na ang mga ambisyon mo? Kung wala ka pa, kumuha ka na ng notebook, o laptop, at isulat mo na isaisa. Pagkatapos, tigilan mo na ang araw-araw na pagkatulala sa maghapon, o pagtambay sa kanto. Simulan mo ng tuparin ang mga bagay na sinulat mo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento