General

Lunes, Mayo 16, 2011

Ano nga ba ang Kwento Ko?

Sino nga ba si Kuyzak? Ahem.

Isa akong bigong lalake dati. Ilang taon din akong nagtiis na walang girlfriend. Wala akong kakayanan makipagusap sa mga babae. Kung makikipag-usap man, ito'y sa paraang aantukin ka habang kausap ako.

"San ka nag-aaral?"
"Anong course mo?"
"Ahh..."
*Ilang segundo pa at makakatulog na ang babae.*

Nagkaroon ako ng girlfriend ngunit hindi kami tumagal ng isang buwan dahil sa isang buwan na "kami" ay hindi man lang ako nagparamdam sa kanya. Nung una akong magtext isang buwan makalipas niya akong sagutin, ay nakipagbreak din siya agad. Wala daw akong kwenta. O wala akong pagpapahalaga. Sa mura kong isipan, halos hindi ko pa maintindihan yon (o malamang ayaw ko lang tanggapin.) Ngunit makalipas ang ilang taon, ilang babae rin ang dumaan sa buhay ko. Pasaglit-saglit lang. At wala akong matandaan sa mga babaeng yon ang talagang nagustuhan ko. Ngunit me isang babaeng dumating na nagpabago ng lahat.

Maganda, Sexy, Maputi, Tisay. At siguradong hindi nakakapagod imaginenin kapag mag-isa ka na lang sa kama. Siya na ata ang DREAM GIRL ko.

Pinakilala siya sa akin ng mga barkada ko.
Text-text. Balak ko na siyang ligawan, pero sa sobrang ganda niya, at sa pakiramdam ko na di ko siya maabot, lagi akong natotorpe kapag kasama siya. Kahit katabi ko siya, pakiramdam ko me malaking pader na nakaharang sa pagitan naming dalawa. At dumating sa punto na nagpahiwatig na siya sa akin na walang pagkakataon na maari ko siyang maging girlfriend.
Aray.
Ang sakit non, pre.
Eto na ang babaeng akala ko ay mapapangasawa ko, pero BINASTED ako.
Eto ang punto sa buhay ko na nagdesisyon akong magbago.
Naramdaman ko na binasted niya ako hindi dahil masama siyang babae (malambing siya, sa totoo lang), kundi dahil hindi ako marunong makitungo bilang lalaki sa isang babae. Kaya simula non, napagdesisyonan kong gagawin ang lahat para hindi na maulit ang nangyaring yon.
At dun nagsimula ang isang panibagong buhay.

...

Internet ang naging daan ng pagbabago.
Nadiskubre ko ang mga sites na nagtuturo ng mga epiktibong "diskarte" sa babae. Binasa ko eto ng walang pahinga. Nginuya na parang gutom. Hehehe. Hindi ako makapaniwala na meron palang mga sistema ng panliligaw at meron palang lebeling diyan. Kung sa tradisyonal na panliligaw ang hagdan ay pakikipagkaibigan;bigay bulaklak;text-text;paloadan si babae;hatid pauwi ng bahay;text-text; kita ulit kinabukasan; proposal tapos sagot - sa Western iba.
Ibang-iba.
Hindi PANLILIGAW kundi PURONG DISKARTE. :D

At hayon, sa tinagal tagal ng pagbabasa ko ng mga yon, lumago ako mula sa pagiging torpe hanggang sa pagkakaroon ng "choice" sa babae. Sa ngayon, may girlfriend ako na mahal na mahal ko at mahal na mahal rin ako. :D

Ngunit sa ilang taon kung pagbabasa at pagsasagawa ng mga nabasa ko, hindi lahat yon ay matagumpay. Mas matitindi pa nga ang kahihiyan na naranasan ko, kumpara sa nong torpe pa lang ako. Pero hindi yon naging sapat para sumuko. (Manny Pacquaio ikaw ba yan?) Isa pa, naisip ko na kapag mas higit ang premyo, mas malaki rin ang dapat kung isugal (as in, malaking kahihiyan). Kaya sa ngayon, heto ako, handa ng ibahagi ang mga bagay na nakatulong sa kin kung san man ako ngaun.

Kaya mga  Dudes at Pre, Tsong at Tol, sana makatulong ako sa paglago ninyo sa inyong "diskarte sa chicks." Panahon na para ilahad ang Diskarteng Kuyzak. Are you Ready to Jumble?

P.S. Kung meron sa inyong nais magbahagi ng kanyang sariling pananaw sa mga bagay na pinag-uusapan dito, o kahit hindi man, malugod kitang tinatanggap.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento