Madalas nating marinig to. May kaibigan kang nanliligaw at may kaibigan karing magaling dumiskarte. As in sa chicks. Ok, ngaun, ano ang kaibahan?
Mahalaga ito, dahil makakaapekto sa isang babae ang pananaw niya sayo kung ikaw man ay nanliligaw o magaling lang makitungo sa mga babae. (As in, chick magnet ka dude.)
Kapag sinabing nanliligaw ang isang lalaki, ibig sabihin, nagsisimula na niyang suyuin ang babae. Kapag naramdaman ng babae na nanliligaw ka sa kanya o inamin mo na sa kanya o nagpaalam ka na na manliligaw sa kanya, ang madalas na magiging pagtingin ng mga babae dito ay GINAGAWA MUNA ANG LAHAT NG GINAGAWA MO DAHIL GUSTO MO SIYANG MAPASAGOT. Tama?
Sisimulan mo ng maging mabait. Magpaporma. Magpabango. Iloload siya kapag hindi siya nagrereply. Susubok magpatawa kahit korni naman. Marami pa. Ang problema, maiinterpret ito ng babae na para-paraan mo lang para mapasagot siya. At kapag sinagot ka na niya, natatakot siya na baka magbago ka. Baka mabait ka lang dahil nanliligaw ka. Kaya ka sweet at nagagawa mo pang ihatid siya sa bahay niyang pagkalayo-layo sa siyudad e dahil gusto mo siyang maging girlfriend. Eto ang dapat mong isawan. Hindi ka manliligaw. At wag na wag mong iisipin na dahil gusto mo siya eh manliligaw ka na.
Actually, meron akong napakagandang kaibigang babae na nagsabing ayaw niya ng idea ng panliligaw dahil pabalat lamang ito ng lalaki para makuha ang babae. Dapat daw yong natural lang. Yon ang idedevelop natin.
Ano yong natural na yon? Natural na pakikisama. Lalake sa babae. At yong sinasabing diskarte, patungkol yon sa paraan ng isang lalake ng kanyang pakikisama na kung saan nagagawa niyang pakiligin, patawanin, paisipin pati na painlabin ang isang babae (o mga babae).
Hindi tayo manliligaw; bubuo tayo ng diskarte. Hindi mo susuyuin ang babaeng magustuhan ka sa pamamagitan ng pagbabait-baitan, pagpapasa ng sweet quotes, pagbibigay ng bulaklak, atbp. Makikitungo ka sa paraang naayon sa kung sino ka, at sa paraang natural ka na magugustuhan ng babae.
Sa panliligaw, mabilis, dahil nagsisimula lang ito kapag may babaeng liligawan. Ang pagiging madiskarte, hindi. Dahil bago maging madiskarte ang isang lalake, marami siyang bagay na dapat asikasuhin at itanim sa isip niya, iensayo at gawin, bago pa man niya makita ang babaeng gusto niya.
Ang tanong, paano?
para sa akin ang diskarte ay my binabagayan sinasamahan cya ng ng mga istilo na nababagay maka luma istilo at bagong istilo, madaming uri ng diskarte, sa napakagandang babae po na kaibigan nyo, cya po ang tipo ng babae na ayaw ng mga gasgas na salita oh makalumang panliligaw kc para sa kanyang pandinig gasgas na kumita na yun alam nya na ang ibig sabihin nun ng mga nanliligaw kung kayat ayaw niya ng panliligaw, kung ako ang lalake, ang magigining istilo ko sa kanya , unang una hakbang na gagawin ko pag oobserba sa magandang kaibigan nyo kung anong meron kata uhan cya masu ngit b cya oh mahinhin madami ugali ng babae na dapat malaman, kaya nasabi ko obserba, ang mga kakailanganin ko para sa pag atake panahon mo sa kanya at sakripisyo pera kailangan mo ng ganyang paghahanda, at iwasan ang gasgas na salita kailangan makabago sa pandinig nya, ang mga nasabi ko yan ang kailangan ko para mabuo ang diskarte sa pag atake ko na nd nya nalalaman na mapapalapit na ang loob nya, senya na po sa pasakalye ko, pahirapin ko napo ang sitwasyon gawin po natin na ang ugali nya masungit na pag nililigawan cya eh ayaw niya, masungit talaga, ang gagawin ko doon mo iaply ang mga naobserbahan mo, ang gagawin ko po kahit alm ko na gusto ko cya, kailangan mo magsakripisyo, kailangan sa mga masusungit nd inaamo ang gagawin ko mas lalo ko cyang iinisin at gagalitin at na ayaw ka na niyan makita parang ganun , para bang yung lagi mong pang aasar sa kanya ay nakatatak na sa isip nya parang andun kana, big la kang nd magpapakita ng mga ilang araw at masasabi nya sa sarili nya san na kaya yun buti nman tumahimik, atlis dahil sa pang aasar mo nasa isip k nya, pangalawang stilo kakailanganin mo na mga inihanda mo pera panahon, pero sa pag kikita nyo iba kana ibang istilo na gagamitin mo dito mo na gagamitin yung mga nd gasgas na salita , na makabago sa kanyang pandinig, halimbawa po, bibili ka ng isang rosas na puti simbulo ng pakikipag sundo mo sa kanya, pero nd ikaw ang magbibigay sa kanya ng bulaklak o kaya isang vendor pero ikaw ang nagsabi vendor na ibigay sa babaeng yun at alm na ng vendor gagawin nya, kailangan ikaw ang mauna na makausap mo cya bago dumating ang bulaklak , at iba na ang pagkatao mo sa paghaharap nyo pangungumusta, sa kanya ang bungad pero sa nd gasgas nasalita, unahan mo agad kailangan wag mong pasingitin sa salita sa kung ano man iniisip mo nd ko na gagawin sayo yun nd na kita aasarin pasenya nakakamiss ka rin pala kahit sinusungitan mo ako sabay ngiti, sabay dadating yung vendor na my bulaklak, wag kang magpapahalata na sa iyo yun, tapos sabihin mo sa kanya nawala lang ako ng mga ilang araw my nanliligaw na sayo bibiruin mo b d magtataka yung babae kung saan galing yung bulaklak, ngaun papangitiin mo cya para nd na sungit yung makita mo, tapos sabihin mo ang totoo nyan binayaran ko ang vendor na maghatid sayo kc natatakot ako baka sungitan mo lang ako na ayaw ko ng mangyari gusto ko kc na bati na tayo makita ko nman mga ngiti mo, at pag nakita mo ngiti nya purihin mo wow ang ganda mo palang ngumiti, hehehehe sana araw araw ganyan nakikita ko, sabay sabi bati na tayo at makikipagkaibigan nadin po , sinama ko na para isahan na lang , makita mo lang cyang napapangiti mo nakukuha mo na kalooban nya, doon mo umpisahan sa pakikipagkaibigan yung mga naoobserbahan mo iaply mo sa kanya yung hilig nya yung gusto nya yung pinapangiti mo yung pinapaalala mo sa kanya na hinahabol kapa dahil inaasar mo bigay mo sa kanya yung kasiyahan , nd mo namamalayan dahil sa ginagawa mong pag importante sa kan ya at pag bigay mo ng panahon atenyon napapamahal na siya sayo, at kailangan maramdaman mo yun saka mo sabihin kung na masaya ka bang kasama ako, pag sumagot na uu nahuli mo na loob nya, senya napo ang haba po ng comment ko yan po ang diskarte ko na sa babae nd ko niligawan pero hinuli ko loob niya para mapasuko ko at mahulog ang pagtingin nya sa akin dahil lahat binibigay ko pinakikita ko sa kanya kung gaano cya kaimportate sa akin bilang kaibigan yun lang po
TumugonBurahin