Una
sa lahat, gusto kong malaman ng aking mga tagapagbasa, na nagpapasalamat ako sa
inyo, dahil ngayon, alam kong may nagbabasa ng mga posts ko, at may
naapektuhang tulad niyo. Heck, talaga nga namang nakakainteres ang mga ganitong
usapan, lalo na kapag naglalakad ka sa daan, at masasalubong ang mga mukhang
anghel na hindi mo aakalaing pinanganak dito sa lupa. At mararamdaman mo sa
loob mo, and tila umaapoy na tawag na lapitan at magpakilala sa kanila.
Mga
kumpay, anuman ang ugali ng isang babae – masungit, mataray, at suplada – hindi
nila maikakaila na mapapalingon sila sa isang lalaking MALAKAS ang DATING.
Pansinin mo, ang isang lalaking maappeal, maappeal sa karamihan ng mga babae.
Alam ko na alam niyo ang tinutukoy ko: ito yong lalaking na kapag pumasok sa
isang usapan, nililingon ng lahat. Nagrereact ang lahat sa sinasabi niya. Lagi
siyang pinaguusapan ng mga nakakakilala sa kanya. Meron siyang kakaibang
pagtingin sa mga bagay-bagay na lumalabas na katuwa-tuwa at interesado sa
lahat. Marami itong katangian, pero ang nagbubuklod sa ganitong tipo ng mga
lalaki ay kung paano siya makahatak ng reaksyon sa lahat. Iba ang dating nito
sa mga girls, maniwala kayo mga tol. So, ang tanong, paano nga ba maging
ganitong tipo ng lalaki, na parang bagyong Yolanda ang dating? Eto ang ilan sa
mga mungkahi ko para maatim ang ganitong estado:
1) Ayusin mo ang porma mo – Kung magsusuot ka ng puting sapatos, o sapatos na may puti sa ilalim, linisan mo to ng mabuti. Iba ang dating ng mga lalaking namumuti ang sapatos. Gupitin mo ang mga mahahabang buhok mo sa ilong, nakakaturn-off yan pare. Magtoothpick ka, pagkatapos kumain ng karne, nakakahiya naman kung siya pa ang pupuna ng nakasingit na karneng baka diyan sa bagang mo. Sumuot ka ng maayos na damit, hindi kailangang bago, basta hindi ganon kalaki, na mukha kang zombieng nawawala sa daan, at di rin ganon kaliit na para ka namang malagkit na siniksik sa dahon ng saging. Ang biswal niyang aspeto ang gusto mong mahatak mo dito.
2) Ayusin mo ang amoy mo – Wag kakalimutang magpabango. Yong tama lang yong lakas, wag masyadong malakas na para kang naligo sa isang drum ng pabango. Pumili ka ng pabango na smooth ang dating, di ganon kalakas, pero gagalaw ang mga kalamnan niya sa ilong. Maligo din ng maayos, at pakihilod naman ang namumuong brownies dian sa leeg at batok mo. Isang linggo na yang nandiyan.
3) Bigyang atensiyon ang enerhiya sa katawan mo – Hindi mo kailangang maging Super Saiyan para maayos mo ang aspetong to.
Pero kailangan na punong puno ka ng pwersa kapag gagawin mo na ang paglapit sa kanya, o makikipag-usap mula sa kawalan. Iwasan na lagi kang magpuyat, dahil makakaapekto ito sa lakas mo. Bawas-bawasan ang panonood ng Maria Ozawa tuwing hatinggabi. Ilaan mo ang enerhiya mo sa mga bagay na may kabuluhan. Kumain ng prutas at gulay. Gawing parte ng buhay mo ang pag-eehersisyo, tulad ng pagjojogging. Mas mabuti kung mag-eenroll ka sa gym; iba ang nagagawa ng ehersisyo sa katawan at diwa mo. Magagawa mong lumapit sa mga girls kahit dis oras ng gabi, na para bang fully charged pa rin ang baterya mo. Alam ko may iba-iba tayong paraan para maabot ang bagay na to, ang mahalaga ay mabigyan natin ito atensyon.
4) Bigyan ng swag ang paglalakad mo – Ito yong paglalakad na, hindi sobrang bilis, at hindi rin sobrang bagal na para kang naglalakad sa outer space. Lumakad ka na tipong inaantay ng lahat ng tao ang pagdating mo. Kapag nakita ka na niya, o nagsalubong ang inyong tingin sa kalahating segundong saglit, ang mithiin mo ay ang maalala niya si James Bond sa paglalakad mo. Wag ka lang magdadala ng baril.
Higit
sa lahat, diretso ang atensyon ng lalaking
malakas ang dating. Ano ang ibig kong sabihin dito? Dahil napakalawak ng topikong
ito, nararapat lamang na bigyan ko siya ng hiwalay na pagsusuri. Hanggang sa
muli, aking kaibigan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento