Old-School Panliligaw
Nag-iisa ka sa may kanto. Katatapos lang ng klase mo. Habang umiinom ka ng napakasarap na juice na tinitinda sa paborito mong tsangge, nakasulyap ka ng isang babae na lumitaw mula sa kawalan.
Shit. BABAE! Nakakapalaking-matang katawan. Panalong Porma. Kaputian at kutis na wala ka ng mahahangad pa. Shit. Isa pa, kausap siya ng pinsan mo. Magkaklase ata sila. Hindi mo alam, pero napangiti ka. At alam mong matamis pa sa iniinom mong juice ang ngiti mo.
Ngayon, ano ang unang-unang papasok sa isip mo? Malamang eto: liligawan mo ang babae sa tulong ng pinsan mo(sana lang hindi niya girlfriend di ba?) at sa paraan ng nakalakihan mong panliligaw. Tama?
Old-school.
Ngayon, eto lang ang masasabi ko: hindi na epektibo ang ganitong istilo. O maaring umepekto pa rin eto, pero kadalasan hindi na eto pumapatok sa takilya. Matatalino ang mga babae lalo na sa panahon ngayon. Kung naghahanap ka ng babaeng mataas ang kalidad – as in matalino, maganda, malambing, at seksi – hindi mo na to madadaan sa mga old-school na linya. Hindi linya ang kailangan nila. IKAW. IKAW ang dapat nilang magustuhan, at hindi ang mga props na pwedeng mawala sayo.
Anong ibig kong sabihin? Kailangan nilang magustuhan eh ang karakter mo. Kapag meron kang karakter, hindi na mahirap ang mga linya. Kung babato ka ng linya, por ejemplo, at ginawa mo eto para magustuhan ng babae, maaring magustuhan ka niya sa una, pero kung hindi mo eto binanggit bilang natural na paraan ng paglalahad mo ng sarili mo, darating ang panahong mapapanis na ang mga sinasabi mo. Ngayon, malamang merong gustong magreklamo diyan: “Eh pareng kuyzak, meron akong mga kilala magaling sila sa diskarte kasi marami silang alam na linya pagkausap ang babae.” Ngayon, hindi ko sinasabing wag mong banggitin ang mga linya o gawin ang mga pakulong gusto mo. Ang sinasabi ko eh, gawin mo eto bilang natural na pagpapakita ng sarili mo. Kung ang personalidad mo sa ngayon ay isang seryosong tao, magiging di makatotohanan ang pagbibiro mo. Hindi yon papantay sa nakasanayan mong personalidad.
Kaya makakakita ka ng mga lalaking babato ng linyang bomba, at tatawa ng konti ang babaeng kausap pero di katagalan, magkakaroon ng nakakaasiwang katahimikan. (At kaya minsan may pagkakataon ding me linyang grabe na kakorni, as in nailibing na nong panahon pa ni Marcos e, nagiging katatawa pa rin kapag binanggit ng isang lalaki. Anong pinag-iba? May personalidad ang lalaki.)Napansin ng babae na hindi ayon ang personalidad ng lalaking sa bagay na ginagawa niya. Para bang, ginagawa lang ng lalaki ang mga bagay na ito para makuha ang pagsangayon ng babae. Nakakahinala to sa babae. Syempre, iisipin nia (lalo na kung matalino ang babaeng kaharap mo): Bakit niya tinatago ang sarili niya? Bakit gusto niyang makuha ang sang-ayon ko? Bakit niya sinasadyang magpatawa sa harap ko kahit korni naman siya? Baka dahil, me gusto lang siyang makuha sa akin. Kaya mapapansin mo sa ganitong mga pakikipag-usap, madalas talo ang lalaki.
Samantalang sa kabilang banda, makakatagpo ka rin ng mga lalake (eto yong mga tinuturing na magagaling dumiskarte) na lalapit sa isang babae o sa grupo ng mga babae, at di kalaunan, makikita mong tumatawa na ang mga dalaga at tuwang-tuwang kinakausap sila nitong idol mo. Bakit kaya? Mapapansin mo, (kung hindi, eh simulan mo ng pansinin) na ang pinapakita ng lalaki eh hindi mga props para makuha ang sang-ayon ng babae, nandun sila para lasapin ang sarap ng pagkakataon at dahil dito, nakukuha nilang maging masaya kahit san man sila, na nadadala nila kapag me nakakausap silang mga babae. Kuha mo?
Isa pa, kung hindi pa puputok ang utak mo. Sino ang mga taong natural na lapitin ng babae? Sino pa – eh di yong mga taong may personalidad. Mga lalaking maraming pinagkakaabalahan. Mga bagetz na maraming pinagkukunan ng saya – at di lang ang babae.
Kung takot kang ipakita kung sino ka, matatakpan ka ng ibang mas guapong kakompetensiya. Kailangan mong bumuo ng personalidad at hindi magsaulo ng mga linyang narinig mo kay Vice Ganda. Kailangan mo ng personalidad na magiging natural na paraan ng pagpapakita mo ng kung sino ka.
Ngayon anong personalidad ba ang meron ka? Eto ang MALAKING tanong. Tandaan, hindi linya, kundi karakter. Kapag may buo kang personalidad, natural na lalabas ang PANALONG diskarte. Ewan lang sayo. :D
Lahat ng Tips na puede niyong matutunan pagdating sa chicks at kalokohan. :D
Huwebes, Mayo 26, 2011
Lunes, Mayo 16, 2011
Ano ang Panliligaw at Ano ang Diskarte?
Madalas nating marinig to. May kaibigan kang nanliligaw at may kaibigan karing magaling dumiskarte. As in sa chicks. Ok, ngaun, ano ang kaibahan?
Mahalaga ito, dahil makakaapekto sa isang babae ang pananaw niya sayo kung ikaw man ay nanliligaw o magaling lang makitungo sa mga babae. (As in, chick magnet ka dude.)
Kapag sinabing nanliligaw ang isang lalaki, ibig sabihin, nagsisimula na niyang suyuin ang babae. Kapag naramdaman ng babae na nanliligaw ka sa kanya o inamin mo na sa kanya o nagpaalam ka na na manliligaw sa kanya, ang madalas na magiging pagtingin ng mga babae dito ay GINAGAWA MUNA ANG LAHAT NG GINAGAWA MO DAHIL GUSTO MO SIYANG MAPASAGOT. Tama?
Sisimulan mo ng maging mabait. Magpaporma. Magpabango. Iloload siya kapag hindi siya nagrereply. Susubok magpatawa kahit korni naman. Marami pa. Ang problema, maiinterpret ito ng babae na para-paraan mo lang para mapasagot siya. At kapag sinagot ka na niya, natatakot siya na baka magbago ka. Baka mabait ka lang dahil nanliligaw ka. Kaya ka sweet at nagagawa mo pang ihatid siya sa bahay niyang pagkalayo-layo sa siyudad e dahil gusto mo siyang maging girlfriend. Eto ang dapat mong isawan. Hindi ka manliligaw. At wag na wag mong iisipin na dahil gusto mo siya eh manliligaw ka na.
Actually, meron akong napakagandang kaibigang babae na nagsabing ayaw niya ng idea ng panliligaw dahil pabalat lamang ito ng lalaki para makuha ang babae. Dapat daw yong natural lang. Yon ang idedevelop natin.
Ano yong natural na yon? Natural na pakikisama. Lalake sa babae. At yong sinasabing diskarte, patungkol yon sa paraan ng isang lalake ng kanyang pakikisama na kung saan nagagawa niyang pakiligin, patawanin, paisipin pati na painlabin ang isang babae (o mga babae).
Hindi tayo manliligaw; bubuo tayo ng diskarte. Hindi mo susuyuin ang babaeng magustuhan ka sa pamamagitan ng pagbabait-baitan, pagpapasa ng sweet quotes, pagbibigay ng bulaklak, atbp. Makikitungo ka sa paraang naayon sa kung sino ka, at sa paraang natural ka na magugustuhan ng babae.
Sa panliligaw, mabilis, dahil nagsisimula lang ito kapag may babaeng liligawan. Ang pagiging madiskarte, hindi. Dahil bago maging madiskarte ang isang lalake, marami siyang bagay na dapat asikasuhin at itanim sa isip niya, iensayo at gawin, bago pa man niya makita ang babaeng gusto niya.
Ang tanong, paano?

Ano nga ba ang Kwento Ko?
Sino nga ba si Kuyzak? Ahem.
Isa akong bigong lalake dati. Ilang taon din akong nagtiis na walang girlfriend. Wala akong kakayanan makipagusap sa mga babae. Kung makikipag-usap man, ito'y sa paraang aantukin ka habang kausap ako.
"San ka nag-aaral?"
"Anong course mo?"
"Ahh..."
*Ilang segundo pa at makakatulog na ang babae.*
Nagkaroon ako ng girlfriend ngunit hindi kami tumagal ng isang buwan dahil sa isang buwan na "kami" ay hindi man lang ako nagparamdam sa kanya. Nung una akong magtext isang buwan makalipas niya akong sagutin, ay nakipagbreak din siya agad. Wala daw akong kwenta. O wala akong pagpapahalaga. Sa mura kong isipan, halos hindi ko pa maintindihan yon (o malamang ayaw ko lang tanggapin.) Ngunit makalipas ang ilang taon, ilang babae rin ang dumaan sa buhay ko. Pasaglit-saglit lang. At wala akong matandaan sa mga babaeng yon ang talagang nagustuhan ko. Ngunit me isang babaeng dumating na nagpabago ng lahat.
Maganda, Sexy, Maputi, Tisay. At siguradong hindi nakakapagod imaginenin kapag mag-isa ka na lang sa kama. Siya na ata ang DREAM GIRL ko.
Pinakilala siya sa akin ng mga barkada ko.
Text-text. Balak ko na siyang ligawan, pero sa sobrang ganda niya, at sa pakiramdam ko na di ko siya maabot, lagi akong natotorpe kapag kasama siya. Kahit katabi ko siya, pakiramdam ko me malaking pader na nakaharang sa pagitan naming dalawa. At dumating sa punto na nagpahiwatig na siya sa akin na walang pagkakataon na maari ko siyang maging girlfriend.
Aray.
Ang sakit non, pre.
Eto na ang babaeng akala ko ay mapapangasawa ko, pero BINASTED ako.
Eto ang punto sa buhay ko na nagdesisyon akong magbago.
Naramdaman ko na binasted niya ako hindi dahil masama siyang babae (malambing siya, sa totoo lang), kundi dahil hindi ako marunong makitungo bilang lalaki sa isang babae. Kaya simula non, napagdesisyonan kong gagawin ang lahat para hindi na maulit ang nangyaring yon.
At dun nagsimula ang isang panibagong buhay.
...
Internet ang naging daan ng pagbabago.
Nadiskubre ko ang mga sites na nagtuturo ng mga epiktibong "diskarte" sa babae. Binasa ko eto ng walang pahinga. Nginuya na parang gutom. Hehehe. Hindi ako makapaniwala na meron palang mga sistema ng panliligaw at meron palang lebeling diyan. Kung sa tradisyonal na panliligaw ang hagdan ay pakikipagkaibigan;bigay bulaklak;text-text;paloadan si babae;hatid pauwi ng bahay;text-text; kita ulit kinabukasan; proposal tapos sagot - sa Western iba.
Ibang-iba.
Hindi PANLILIGAW kundi PURONG DISKARTE. :D
At hayon, sa tinagal tagal ng pagbabasa ko ng mga yon, lumago ako mula sa pagiging torpe hanggang sa pagkakaroon ng "choice" sa babae. Sa ngayon, may girlfriend ako na mahal na mahal ko at mahal na mahal rin ako. :D
Ngunit sa ilang taon kung pagbabasa at pagsasagawa ng mga nabasa ko, hindi lahat yon ay matagumpay. Mas matitindi pa nga ang kahihiyan na naranasan ko, kumpara sa nong torpe pa lang ako. Pero hindi yon naging sapat para sumuko. (Manny Pacquaio ikaw ba yan?) Isa pa, naisip ko na kapag mas higit ang premyo, mas malaki rin ang dapat kung isugal (as in, malaking kahihiyan). Kaya sa ngayon, heto ako, handa ng ibahagi ang mga bagay na nakatulong sa kin kung san man ako ngaun.
Kaya mga Dudes at Pre, Tsong at Tol, sana makatulong ako sa paglago ninyo sa inyong "diskarte sa chicks." Panahon na para ilahad ang Diskarteng Kuyzak. Are you Ready to Jumble?
P.S. Kung meron sa inyong nais magbahagi ng kanyang sariling pananaw sa mga bagay na pinag-uusapan dito, o kahit hindi man, malugod kitang tinatanggap.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)