Manila, Blue Eagles
at Siksikan sa Divisoria
Mapalad ako bilang maging representante ng
aming unibersidad sa katatapos lamang na kumperensiya patungkol sa pagtuturo ng
etika na ginanap sa Leong Hall ng Ateneo de Manila. (Hindi na po kailangang
itanong kung sinasabuhay ko yan.) Ibang-iba talaga sa Manila. Bilang isang
binatang lumaki sa probinsiya ng Palawan, patuloy akong namamangha sa
naglalakihang gusali, nakapalibot na malls, at humaharurot na jeep. Hindi ko na
kailangang banggitin ang bilis na galaw ng mga tao, na parang laging may
hinahabol, at syempre, ang matinding siksikan sa Divisoria. Gayunpaman, sulit
pa rin dahil nakabili ako ng shorts at damit na halos hindi bumawas sa timbang
ng aking pitaka. Pero syempre higit sa lahat, hindi kumpleto ang puna ko kung
hindi ko babanggitin ang walang iba kundi ang apoy sa mata nating mga lalaki:
ang kadalagahan ng Manila.
Wow. As in nganga. Napansin ko na yan noong
paminsan-minsan akong pumunta sa Maynila. Kung taga-diyan ka, malamang hindi mo
yan mapapansin, dahil ituturing mo silang normal. Pero sa kagaya ko na laking
probinsiya, ang nangingislap na kutis nila, maaliwalas na mukha, maiigsing
shorts at mapanghamon na mga galaw ay talaga namang panibagong karanasan. Mas
marami pa ata akong nakitang mas magaganda sa tatlong araw na pananatili ko
kumpara sa mga babaeng nakikita ko sa telebisyon.
Ngunit, may aaminin ako sa inyo. Hindi ko
nagawang lumapit ni isa man sa kanila, sa pakay na gusto kong maatim kasama
sila, kaibigan man o higit pa. Wala akong kasamang pumunta doon, kaya nong
makita ko pa lang na lahat ay may kausap at masaya sa kanya-kanya nilang mundo,
nakaramdam ako ng panghihinayang na isama ang aking mga kaibigan. Sa kabila
non, naglakas loob pa rin akong lapitan ang grupong una kong nasalubong. Ngunit
puro sila lalaki, at lahat sila ay galing din ng seminaryo, tulad ko. May
iilang mga dalagang nakikipag-usap sa ilang sulok ngunit hindi ko alam bakit ni
hindi ko magawang magtanong o kausapin man lang sila. Nagawa kong lumapit at
magtanong sa isang dalaga, pero yon ay dahil siya ay nasa registration booth!
Kung hindi pa dahil dun, wala man lang akong nakausap na babae sa tatlong araw
na pananatili ko roon. Marami akong bagay na napagtanto dahil dito, mga bagay
na maaaring makatulong sakin (at sa inyo) sa susunod na gustuhin man ng kung
sino sating lapitan sila:
1)
Mahalaga ang presensiya ng mga
kaibigan–Ramdam
ko na mas ganadong lumapit sa mga dalaga kung may mga kaibigan ka sa tabi na
handang makipagbiruan sayo, at higit sa lahat, na may pakay din ng tulad sayo.
Kung hindi ka man pansinin ng mga babae, may mga kaibigan kang magpapalakas ng
loob mo, o tatawanan lang ang minsang kahihiyang ginawa mo sa harap nila. Maaari
rin namang sila ang lumapit, at ikaw ang tatawa kung sakaling sila ang madapa
sa kahihiyan. Anuman ang mangyari, ang mahalaga ay may suporta kang ramdam,
mula sa mga kaibigang may halintulad na mithiin ng tulad sayo. Isa pa, ang
presensiya ng mga kaibigan ay magsesenyas na isa kang taong marunong makisama,
dahil may mga kasama kang kaibigan na madalas ay nasa tabi mo.
2)
Wag mong pag-isipan ang approach. - Isa sa
mga nagdulot sakin ng kaba ay ang pag-iisip ng kahahantungan ng gagawin ko:
magugustuhan kaya nila ako? Hindi ba sila busy? Magkakainteres kaya sila sa
isang tulad ko? Ngunit sa pagninilay-nilay ko, ginawa ko lang nakakatakot ang approach,sapag-iisip kong mga bagay-bagay.
Dahil nung sinubukan kong lumapit sa iilang lalaki, nagawa kong kausapin sila, at
makipagtawanan, ng hindi naman yon pinagiisipan. Sa susunod,
makakatulong ang tinatawag na 3-second rule, kung saan sa oras na makakita ka ng babaeng
gusto mong lapitan, lapitan mo sya sa loob ng tatlong segundo ng sagayon,
hindi mo na kailangang pag-isipan pa ang anumang magaganap sa pagitan ninyo. Isa pa,
ituring mo silang normal na tao, mabubuti at may natural
na kagustuhang makipagkaibigan, at hindi anghel na may di
maabot na halaga para sa ating mga taga-lupa. (Alam ko, it’s damn hard, mi amigo.)
3)
“Anuman ang gagawin at sasabihin ko, alam ko na lilitaw tong astig” – Ito ang
isa sa pinakamahalagang mindset sa pakikipagkilala sa iba’t-ibang tao, hindi
lamang sa mga babae. Magtiwala ka na anuman ang gawin o sabihin mo, lalabas at
lalabas ang personalidad mong alam mong magiging kaiga-igaya sa ibang tao.
Lahat tayo ay may personalidad na interesante sa kung sino man; kailangan lang
nating matutunang ilabas ito, at isa sa mga paraan para magawa yon ay para
isaisip at isapuso ang mantra na ito. Bilang isang idealistic na guro, gusto ko na lumitaw na masaya ang mga klase ko.
At tuwing nagsisimula akong mag-isip ng mga puedeng sabihin na tingin ko ay
magiging katuwa-tuwa sa klase, inaalala ko lang ang mantra ko na to, at lo and
behold, hindi ako lumalabas ng klase ng hindi ko sila napapahagalpak sa tawa.
(At bago kayo mag-isip ng kung anuman, ang priority ko ay matuto sila ng aking
leksyon; gusto ko lang na matuwa sila paminsan-minsan ng sa gayo’y maging
kumportable silang makinig at matuto sa klase.) Hindi ko pa nasusubukang gawin
ito sa konteksto ng pakikipagkilala sa mga babae, pero gaya ng sa klase ko,
malaki ang tiwala ko na higit na makakatulong ito sa magiging resulta ng approach.
Ilan lang to sa mga bagay na natutunan ko sa
aking maikling paglalakbay sa malaki at mabilis ng mundo ng Maynila. Ano pang
hinihintay niyo? Sa susunod na makita niyong kadalagahan diyan, lapitan niyo
na, at tuklasin sa sarili niyong paraan ang mga bagay-bagay at ideyang
makakatulong sa inyo upang makilala, mapasaya at maangkin sila. ;)